Empower Words: Mga Paraan sa Kung Paano ang Iyong salita ay Makakatulong sa Kaibigan na may Problemang Pinagdadaanan
May kapangyarihan ang ating mga salita. Totoo ito lalo na kapag mayroon tayong kaibigan o mahal sa buhay na maaaring nasa isang hindi malusog na relasyon. Kung pinaghihinalaan mo na ang iyong kaibigan o kapamilya ay nasa isang magulong relasyon, natural at tama lang na ipahayag ang iyong mga opinion sa kanya. Yes mga Ka abillminds, lalo na kapag tayo ay sobrang close sa isang tao, maaari tayong matukso na magsalita na nakakasakit sa kanila na para sa atin ito ay bale wala lamang. Naisip mo na ba kung ano ang sasabihin? Sa paanong paraan at kailan? Paano mo magagamit ang iyong mga salita upang bigyang lakas ang isang kaibigan na maaaring nangangailangan ng iyong suporta? Narito ang ilang mga tip at komento mula sa mga taong nakaranas ng pang-aabuso sa relasyon na maaaring makatulong: Tip #1 Makinig Nang Hindi Isinisingit ang Iyong Opinyon Higit sa lahat, makinig…mas pahahalagahan ng iyong kaibigan ang iyong opinyon kung nararamdaman niyang naririnig mo...